Connect with us

BOXING

Thurman, panay ang hirit kay Pacquiao

Published

on

Araw na lang ang bibilangin bago ang nalalapit na bakbakang Pacquiao-Thurman na magaganap sa Hulyo 20, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ngunit habang papalapit ang labanan, patuloy pa rin ang pagpapatama ng World Boxing Association super welterweight champion na si Keith \”One Time\” Thurman sa Pambansang Kamao na si Manny \”Pacman\” Pacquiao.

Sa kanyang huling Instagram live na kuha habang papunta sa kanilang interview ni Pacquiao sa Los Angeles, patuloy nitong kinukwestyon ang balak na pagreretiro ng professional boxer.

Ilang beses nang naging usap-usapan ang isyu tungkol sa nalalapit na pagreretiro ni Pacquiao ngunit matapos nitong matalo sa kanyang laban kay Jeff Horn noong Hulyo 2017, mariin nitong sinabi na ipagpapatuloy nito ang kanyang pagboboksing.

\”I love this sport and until the passion is gone, I will continue to fight for God, my family, my fans and my country,\” ani nito.

Dagdag naman ng wala pang talo na si Thurman ay handa na nitong harapin ang susunod nitong napipisil na kalabanin na si Errol Pence na nakatakdang kalabanin si Shawn Porter sa Setyembre.

Samantala, nanatitiling kibit-balikat lamang ang sagot ng eight-division world champion sa mga pasaring ni Thurman. Sa halip, ani ng batikang boksingero ay gagamitin niya ang mga pambabato nitong bilang inspirasyon sa kanyang nalalapit na laban.

Ngunit ayon naman sa CEO ng Mayweather Promotions na si Leonard Ellerbe sa isang video mula na galing sa Fighthype.com, dapat na maging maingat si Thurman sa kanyang mga binibitawang pambabatikos sa Pambansang Kamao.

“But he\’s fighting a straight dog in Manny Pacquiao who\’s at 40 years old. To even be having a conversation that can a 40-year old beat a 30-year old, that tells you what kind of level or respect that the fans have for Manny Pacquiao and the accomplishments that he has,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, may 61 na panalo ang boksingero at 39 nito ay by knockout. Samantala, may 22 knockouts mula sa 29 na panalo  si Thurman.

“My message to Keith, I can tell you firsthand: it’s a little different how it looks when you first get up in there,” ani Ellerbe.

Bagama\’t nasa edad na 40 na si Pacquiao, mariin nitong napatunayan na hindi nakakaapekto ang kanyang edad sa kanyang galing sa pagboboksing. Patunay nito ay ang kanyang dalawang huling laban kay Lucas Matthysse at Adrien Broner.

Mataas naman ang kumpiyansa ni Thurman na kaya niyang patumbahin si Pacquiao sa kanilang nalalapit na laban.

Samantala, sa kabila ng mga pasaring ni Thurman, mas kumpiyansa ang trainer ni Pacquaio na si Freddie Roach na hindi mapapatumba ng kalaban ang Pambansang Kamao.

Ani Roach, gutom si Pacquiao sa knockout at hindi imposibleng mapatumba nito si Thurman.

“I think we’ll knock him out along the way. I think that Manny’s really hungry for a knockout, I’m really hungry for a knockout. We’ve never knocked anyone out at 147, and that’s something we need to do,\” sagot nito sa isang interview mula sa Fight Hub TV.

Banat naman ng huli, kaya niyang ma-knockout si Pacquiao nang hindi lalagpas sa ikalawa o ikatlong round.

Continue Reading

Bombo Radyo

Iron Mike signs to smash Jake Paul in a pro bout

Published

on

Jake Paul, Nate Diaz agree to a 10-round boxing match

Despite the 31 years old gap, heavyweight legend Mike Tyson (50 – 6) officially signed a contract for 8 rounds professional fight against the 27-year old youtuber Jake Paul (9 – 1).

Nakisa Bidarian, Most Valuable Promotions founder, announced last April 29, 2024 that the Texas Department of Licensing and Regulation approved the fight with two minutes per round in 14-ounce gloves. This is not an exhibition fight

“I get up in the morning and do the real work. Then I go to the gym; I go to strength and conditioning. Then I start all over again,”Tyson said in his preparation for the upcoming fight vs Jake on July 20, 2024 in AT&T Stadium in Arlington Texas.

AS SEEN IN BOMBO RADYO

Continue Reading

Bombo Radyo

Saudi Arabia brews Canelo vs Crawford to repair alleged ‘Broken Boxing’

Published

on

Boxing's pound-for-pound king Canelo Alvarez to make boxing return in September

The General Entertainment Authority (GEA) believes Canelo Alvarez (61-2-2) vs Terrence Crawford (40 – 0) will fix the alleged “broken boxing sport.”

The GEA is a department in the Saudi Arabia government that regulates and promotes their entertainment industry.

There are reports that the super mega-fight will happen in December 2024 or January 2025 in Saudi Arabia.

It can be recalled that Floyd Mayweather’s match with Manny Pacquiao remains the biggest-selling boxing pay-per-view in the history of the sport. However they are already retired. as of this writing

AS SEEN IN BOMBO RADYO

Continue Reading

Bombo Radyo

Usyk relentlessly ravages Tyson Fury in round 9

Published

on

The Ukrainian heavyweight champ Oleksandr Usyk dethroned the “Gypsy King” as he ravaged Tyson Fury in round 9 at Kingdom Arena in  Riyadh, Saudi Arabia last May 18,2024.

The undisputed heavyweight Usyk maintained his undefeated record of 22-0. Fury on the other hand tasted his first defeat of 34-1-1.

The action-packed fight between Fury and Usyk resulted in a split decision. Judge Manuel Oliver Palermo gave 115–112 for Usyk, judge Craig Metcalfe tallied 114–113 for Fury, while judge Mike Fitzgerald scored it with 114–113 for Usyk.

AS SEEN IN BOMBO

Continue Reading

Trending