Connect with us

BOXING

‘Behind the scenes’ sa training camp ni Pacquiao, ipinasilip

Published

on

Ipinasilip mismo ng tiyahin ni Senator Manny Pacquiao ang ilan sa mga paghahanda at gawain ng pambansang kamao kaugnay sa nalalapit na harapan nila ni Keith Thurman.

\"\"

“Nagigising talaga siya ay 5AM nagpe-prepare na siya para sa jogging. Araw-araw yan, napaka-sigasig talaga niya,” ani auntie ni Manny na si Lilia “Pretty” Lao sa pagbabahagi sa Bombo Radyo at Star FM.

Si Lilia ay ang pinsang buo ng nanay ni Manny na si Mommy Dionisia at siyang nagmamantine sa US$10-million mansion ni Pacquiao sa Los Angeles.

Tuwing may laban sa abroad si Manny ay si Auntie Lilia ang siyang nag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan ng boxing icon.

Mula sa pagpapanatili ng kaayusan sa bahay hanggang sa pagkain, si Tita Lilia ang isa sa punong abala sa training camp ni Manny.

Masasabi ring saksi si Auntie Lilia sa ilang mga behind-the-scenes na nagaganap na hindi alam ng maraming fans ni Pacman.

Saksi din ito sa walang humpay na pag-eensayo ng 40-anyos na fighting senator Hollywood sa Los Angeles.

“Talagang walang tigil ang ginagawang pag-eensayo niya. Kahit na umulan man o umaraw ay tuloy ang papapa-kondisyon ni Manny,” sambit pa ni Auntie Lilia ukol sa eight-division world champion.

Naikwento rin nito ang ilang bahagi sa nagiging araw-araw na aktibidades ni Manny na ngayon ay nasa second half na ng kanyang training camp para sa July 21 na bakbakan nila ni Thurman na magaganap sa MGM Grand Las Vegas sa Nevada.

“Ang dating nila dito 8AM-9AM pagkatapos nila tumakbo. Tapos umpisa na ‘yan sila kumain. Wala siyang kinakain na baboy, talagang healthy food lang ang kinakain ni Manny,” ani Lilia.

“Pagkatapos magpapahinga siya para mag-prepare naman sa kanyang sparring ng mga 1PM-3PM,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Auntie Lilia, pagkatapos naman ng sparring sessions ng Pinoy ring icon saka aasikasuhin naman ng future hall of famer ang ilan sa mga fans niya.

“Busying-busy talaga ang aking mahal na pamangkin,” sabi ni Lilia.

“The other night nakarating siya dito 8PM. Pero hindi pa natatapos ang araw niya doon, magbabasa muna siya ng bible tapos matutulog na. Kinabukasan balik na naman sa puspusan na training.”

Sa tindi umano ng ginagawang pag-eensayo ng fighter of the decade awardee, ang hiling ni Auntie Lilia ay ang pagkakaroon ni Manny ng magandang kalusugan para sa darating na tunggalian nila ng undefeated na 30-anyos na si Thurman.

Dahil dito, nanawagan siya sa mga kababayan na isama sa kanilang dasal na bigyang sana ng magandang kalusugan ang senador ng Poong Maykapal hanggang sa araw ng kanyang laban.

Sa kabuuang 70 bouts sa itaas ng ring mula ng kanyang boxing debut noong taong 1995 at nakatipon na sa buong professional career na 61 wins, 39 via knockouts, 7 losses at 2 draws, hindi na mabilang ang naibigay na karangalan ng boxing legend para sa Pilipinas.

“Hinihingi ko sa mga fans na magtulungan tayo mag-pray para sa kalusugan ng ating pambansang kamao, magkaisa tayong mag-pray upang bigyan siya ng lakas ng Lord para sa laban.’

Si Auntie Lilia ay nasa isang dekada na rin ngayon na siyang namamahala sa mansyon ng mga Pacquiao.

Sa lahat ng laban ni Manny ay palaging nandoon daw siya para todong suportahan ang kanyang pamangkin.

Siya rin ang unang naapektuhan noong mapabalitang pinasok ng mga kawatan ang nasabing bahay ni Manny habang ang fighting senator ay nakikipagbakbakan kay Adrien Broner noong buwan ng Enero sa Las Vegas.

“Nung na-burglarized ang bahay talagang iniyakan ko ‘yun. Dahil grabe ang gulo ng bahay,” pag-amin pa niya.

Ayon din kay Auntie Lilia, July 5 daw ang dating nina Jinkee at ng buong pamilya para suportahan si Manny sa nalalapit nitong laban.

“Actually meron pang ibang family members na darating galing ng ibang parte pa ng United States para makita ang buong pwersa ng pamilya na nagkakaisa para suportahan si Manny.”

Sa kabilang banda naman, pinagdarasal din ni Auntie Lilia ang kalusugan ni Mommy D para makarating ito sa Amerika para tunghayan ng live ang laban ng kanyang anak.

“Pero ang problema naman niya ay ‘yung health, kung bibigyan siya ni Lord ng magandang health makakapunta siya,” wika pa ni Auntie Lilia.

Continue Reading

Bombo Radyo

Crawford to retire soon – Eddie Hearns

Published

on

Crawford to retire soon – Eddie Hearns

Canelo Alvarez ex-promoter Eddie Hearns predicts that Terrence Crawford will retire after his victory vs Israil Madrimov last August 3, 2024 in Los Angeles.

Crawford is now the 4-division champ after winning by unanimous decision.

However, Hearns said that three fighters are a must fight against Crawford before hanging his gloves – Vergil Ortiz, Jaron Ennis, and Canelo.

“I don’t think Crawford wants a Boots fight. I don’t think Crawford will fight again unless he fights Canelo Alvarez because he’s got money, he’s getting on [in age],” Hearns revealed.

https://googleads.g.doubleclick.net/pagead/ads?client=ca-pub-9286532506093929&output=html&h=174&slotname=7117060773&adk=605059290&adf=1627460022&pi=t.ma~as.7117060773&w=696&abgtt=6&fwrn=4&lmt=1725042514&rafmt=11&format=696×174&url=https%3A%2F%2Fwww.bomboradyo.com%2Fcrawford-to-retire-soon-eddie-hearns&fwrattr=true&wgl=1&uach=WyJXaW5kb3dzIiwiMTUuMC4wIiwieDg2IiwiIiwiMTI4LjAuMjczOS40MiIsbnVsbCwwLG51bGwsIjY0IixbWyJDaHJvbWl1bSIsIjEyOC4wLjY2MTMuODUiXSxbIk5vdDtBPUJyYW5kIiwiMjQuMC4wLjAiXSxbIk1pY3Jvc29mdCBFZGdlIiwiMTI4LjAuMjczOS40MiJdXSwwXQ..&dt=1725042514845&bpp=2&bdt=230&idt=2&shv=r20240828&mjsv=m202408270101&ptt=9&saldr=aa&abxe=1&cookie=ID%3D5d33c4cd20913e1f-22a1221ec6e300ac%3AT%3D1694351710%3ART%3D1725042379%3AS%3DALNI_MZEDzcBK0E1ZWcfIjkVPAf3AYVU7A&gpic=UID%3D00000c40994559ba%3AT%3D1694351710%3ART%3D1725042379%3AS%3DALNI_MaOEqlum05ZnkpfaN-je8upJBpq1Q&eo_id_str=ID%3D0adbaf769f9b7c64%3AT%3D1723588119%3ART%3D1725042379%3AS%3DAA-AfjbR5fRtIlyBj753P1ETn0YM&prev_fmts=0x0&nras=1&correlator=1142066175168&frm=20&pv=1&rplot=4&u_tz=480&u_his=6&u_h=768&u_w=1366&u_ah=720&u_aw=1366&u_cd=24&u_sd=1&dmc=8&adx=138&ady=1658&biw=1343&bih=644&scr_x=0&scr_y=0&eid=44759876%2C44759927%2C44759837%2C31086545%2C31086551%2C31086639%2C44795922%2C95338227%2C95341662%2C95340844%2C95341515%2C95341518%2C21065725&oid=2&pvsid=2367033001575045&tmod=1670009734&wsm=1&uas=0&nvt=1&ref=https%3A%2F%2Fwww.bomboradyo.com%2Fauthor%2Fponciano&fc=1920&brdim=0%2C0%2C0%2C0%2C1366%2C0%2C1366%2C720%2C1358%2C644&vis=1&rsz=%7C%7CoeEbr%7C&abl=CS&pfx=0&fu=128&bc=31&bz=1.01&td=1&tdf=2&psd=W251bGwsbnVsbCxudWxsLDNd&nt=1&ifi=3&uci=a!3&btvi=1&fsb=1&dtd=8

He added that Crawford ducks Ortiz. He also mocked him for getting lucky with the scoring for his fight against Madrimov.

Hearns underscored that 36 year old Crawford is craving for mega-money, mega-fights, and real legacy fights that is why he does not like to fight the undefeated Ennis. He furthered that 27 year old Ennis is like the young Crawford version that is why he is skipping him.

Meanwhile, Crawford still hates Ennis because he is overrated.

Continue Reading

Bombo Radyo

Jaron “Boots” Ennis the future of boxing

Published

on

Jaron “Boots” Ennis the future of boxing

Three welterweight champs are on queue against IBF belt holder Jaron “Boots” Ennis (32 – 0) : Brian Norman Jr WBO; Mario Barrios WBC; and Eimantas Stanionis WBA for his undisputed title dream,

Ennis’ promoter Eddie Hearns said that 27-year old Ennis is the future of boxing as he beats everyone. He added that  Boots is a special fighter that needs to be tested against the best in the world.

However, boxing experts suggested Ennis to move up to 154 and target Terence Crawford, Sebastian Fundora, Errol Spence, Tim Tszyu, Vergil Ortiz Jr, Israil Madrimov, Serhii Bohachuk, and Erickson Lubin.

Continue Reading

Bombo Radyo

Usyk wishes Crawford to beat Canelo

Published

on

Usyk wishes Crawford to beat Canelo

Super-welterweight Terrence Crawford is set to fight Israil Madrimov – WBA and WBO interim World Super-Welterweight champ on August 3, 2024 in BMO Stadium – a Soccer-specific stadium in Los Angeles, California.

Crawford will move up to 154 pounds to clash Madrimov for his WBA junior middleweight title. This is halfway to Canelo Alvarez – the super middleweight undisputed champ of the world.

However, undisputed heavyweight Oleksandr Usyk wants to see Crawford beating Canelo. It can be recalled that Usyk smashed Tyson Fury just recently.

Continue Reading

Trending