By Bombo Ponciano \’John\’ Melo Jr -July 11, 2019 | 3:04 PM
https://www.bomboradyo.com/pacquiao-this-fight-is-not-going-the-distance/
LOS ANGELES – Nagpakitang gilas si Sen. Manny Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) sa international press kaugnay ng kanyang media day na ginanap sa Wild Card Gym.
Ang aktibidad sa training camp
ay ginanap 10 araw bago ang harapan nila ni Keith Thurman (29-0-0, 22 KOs) sa
July 21 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Kabilang sa
ipinakita ni Pacman sa mga mamamahayag ang kanyang tip top condition lalo na
ang ilang minutong shadow boxing at work out nila ni coach Freddie Roach sa
mitts.
Sa kuwento sa Bombo
Radyo ni Mike Quidilla, isa sa mga miyembro ng Team Pacquiao,
pinahanga umano ng pambansang kamao ang bumuhos na dayuhang mga mamamahayag na
kahit sa edad na 40-anyos ay matindi pa rin ang kanyang ibubuga.
“Kondisyon na
kondisyon na siya, ready to rumble na. Napakabilis niya. Excited siya dahil sa
na-challenge siya sa mga hamon ni Thurman na magbe-bet ng US$10,000 sa second
round ma-knock niya si Manny. Lalo siyang na-challenge kaya nag-ensayo siya ng
maigi. Ang ganda ng perfomance niya kanina. Napakagaling. Kaya ‘yang si Thurman
mapapahiya ‘yan,” kuwento pa ni Quidilla. “Yong mga punches ni Manny grabe
talaga. Parang niyayanig ‘yong building sa sobrang lakas talaga.”
Samantala tulad ng tradisyon,
pinaunlakan ni Manny ng interview ang mga mamamahayag kaugnay sa kanyang mga
pananaw habang nalalapit ang laban.
Gayunman umiwas pa ring
magbigay ng prediksiyon ang fighting senator.
Liban lamang sa pagsasabing,
hindi aabot sa 12 rounds ang itatagal ng kanilang bakbakan.
Ang mga naging pahayag ni
Pacman ay taliwas naman sa pagyayabang ni Thurman, 30, na kanyang ginawa sa
hiwalay nitong media work out sa Florida.
Ani Thurman, hanggang six round
lamang daw at tatapusin na niya ang laban.
Sa kabilang dako, iginiit naman
ng Pinoy ring icon na mas matinding Thurman ang kanyang makakaharap na iba sa
huling laban noong buwan ng Enero.
Inihalintulad pa ni Manny ang
undefeated WBA champion sa istilo noon ni Ricky Hatton na pinatulog niya sa
pamamagitan ng single punch noong taong 2009.
“Thurman reminds me the most of
Ricky Hatton, of fighters that I’ve faced. Will it be the same result? You
never know,” wika pa ni Sen. Pacquiao. “It’s going to be another page of my
story on Saturday, July 20. There’s a big chance that this fight is not going
the distance. I’ll be prepared, but I’m thinking it’s not going 12 rounds.”
Nagsilbi namang sidelight sa
media day ni Pacquiao ang agaw atensyon na biglang pagdating ng kilalang
Ghanaian-American actor and comedian na si Michael Blackson.
Liban sa picture taking
nakipagbiruan pa ito kay Manny.
Si Jackson ay lumabas na rin sa
ilang pelikula at noong 2011 naging bahagi siya sa Starz’s Martin Lawrence
Presents: 1st Amendment Stand-up at sa Showtime na Shaquille O’Neal Presents All
Star Comedy Jam.