By Bombo Ponciano \’John\’ Melo Jr -July 4, 2019 | 3:07 PM
https://www.bomboradyo.com/mannys-really-hungry-for-a-knockout-roach/
Habang papalapit ang labanan patuloy din naman ang “pagpapatama” ng World Boxing Association super welterweight champion na si Keith “One Time” Thurman sa pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao.
Sa kanyang huling Instagram
live na kuha habang papunta sa kanilang interview ni Pacquiao sa Los Angeles,
patuloy nitong kinukwestyon ang balak na pagreretiro ng fighting senator.
Ilang beses na rin kasing naging usap-usapan ang isyu tungkol sa nalalapit na
raw ang pagreretiro ni Pacquiao.
Ngunit matapos ngang matalo sa
kanyang laban kay Jeff Horn noong Hulyo 2017, mariin nitong sinabi na
ipagpapatuloy pa rin ang career sa pagboboksing.
“I love this sport and until
the passion is gone, I will continue to fight for God, my family, my fans and
my country,” ani Pacquiao.
Dagdag naman ng wala pang talo
na si Thurman, handa na nitong harapin ang susunod nitong napipisil na
kalabanin na si Errol Pence na nakatakdang harapin si Shawn Porter sa
Setyembre.
Samantala, nanatiling kibit-balikat
lamang ang sagot ng eight-division world champion sa mga pasaring ni Thurman.
Sa halip aniya ayon sa batikang
boksingero ay gagamitin niya ang mga batikos bilang inspirasyon sa kanyang
nalalapit na laban.
Ngunit ayon naman sa CEO ng
Mayweather Promotions na si Leonard Ellerbe sa isang video mula sa Fighthype.com, dapat na maging maingat
si Thurman sa kanyang mga binibitawang pambabatikos sa pambansang kamao.
“But he’s fighting a straight
dog in Manny Pacquiao who’s at 40 years old. To even be having a conversation
that can a 40-year old beat a 30-year old, that tells you what kind of level or
respect that the fans have for Manny Pacquiao and the accomplishments that he
has,” dagdag nito.
“My message to Keith, I can
tell you firsthand: it’s a little different how it looks when you first get up
in there,” wika pa ni Ellerbe.
Sa estado ni Pacquiao, palagi
na ring napatunayan na hindi nakakaapekto ang kanyang edad sa kanyang career sa
pagboboksing hanggang sa ngayon.
Patunay nito ay ang kanyang
dalawang huling laban kay Lucas Matthysse at Adrien Broner.
Mataas naman ang kumpiyansa ni
Thurman na kaya niyang patumbahin si Pacquiao sa kanilang nalalapit na laban.
Samantala, sa kabila rin ng mga
pasaring ni Thurman, mas kumpiyansa ang trainer ni Pacquaio na si Freddie Roach
na hindi mapapatumba ng kalaban ang pambansang kamao.
Ani Roach, gutom si Pacquiao sa
knockout at hindi imposibleng mapatumba nito si Thurman.
“I think we’ll knock him out
along the way. I think that Manny’s really hungry for a knockout, I’m really
hungry for a knockout. We’ve never knocked anyone out at 147, and that’s
something we need to do,” sagot nito sa isang interview mula sa Fight Hub TV.
Banat naman ng huli, kaya
niyang ma-knockout si Pacquiao nang hindi lalagpas sa ikalawa o ikatlong round.
Sa kasalukuyan, may 61 na ring
panalo ang Pinoy ring icon at 39 dito ay via knockout.
Sa kabilang dako ay may 22
knockouts mula sa 29 na panalo si Thurman.