By Bombo Ponciano \’John\’ Melo Jr -July 18, 2019 | 3:05 PM
https://www.bomboradyo.com/he-has-to-prove-something-and-i-have-to-prove-something-pacquiao/
Kumpiyansa si pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao na maiuuwi nito ang panalo kontra sa undefeated welterweight champion na si Keith “OneTime” Thurman matapos ang huling press conference bago ang bakbakan sa darating na July 20 (Sunday PH) na ginanap sa Las Vegas, Nevada.
Sa pre-fight press conference na ginanap nakitaan ng kakaibang tindig ang fighting senator matapos balewalain ang face-to-face na trash talk mula sa kalabang Amerikano
Nagawa lamang tawanan at ngitian ni Pacman ang pasaring ni Thurman na pababagsakin nito ang Pinoy boxing legend.
Nang tanungin si Pacquiao kung bakit nagagawa nitong tawanan na lamang kalaban, sinabi ng 40-anyos na boxer na walang personalan at gagawin niya lang ang kanyang trabaho sa loob ng ring.
“For me nothing is personal. I have to do my job and there is nothing personal with him. Our job is to fight and he has to prove something, and I have to prove something. That’s why I’m so motivated for this fight and this training camp. It’s also my first time fighting on FOX Sports Pay-Per-View, so I’m excited to fight on Saturday,” aniya ni Pacquiao.
“I’m just always smiling no matter what Keith says. It’s easy to say things, but it’s not easy to do it in the ring. I’ve been in this sport longer than Keith Thurman, so my experience will be the difference,” dagdag ni Pacman.
Habang si Thurman naman ay patuloy ang patutsada kay Pacman at nangako pa itong patutulugin ang pambansang kamao.
“I’m looking forward to the fight. I’m looking forward to the final moment when my hand is raised. It’s been a build-up and a progression my whole career toward this moment on Saturday night”, sambit ni Thurman.
“Manny isn’t going to do anything. With the little ‘T-Rex’ arms. He’s about to get beat up. I get to punch a Senator in the face and he’s going to feel it. If he’s upset about it, he can do something about it Saturday night. It’s called swing, swing, swing baby,” wika pa nang tinaguriang “OneTime.”
Nagbigay naman ng maikling fearless forecast ang Hall of Fame coach-trainer na si Freddie Roach sa pagsasabing matatapos ang laban sa loob lamang ng siyam na round.
“Manny will knock him out in nine rounds,” kumpiyansang bigkas ni Roach
Sa ngayon nasa huling yugto na ng preparasyon ang dalawang kampeon para sa blockbuster showdown na magaganap sa MGM Grand Las Vegas.