By Bombo Ponciano \’John\’ Melo Jr -July 20, 2019 | 4:29 AM
https://www.bomboradyo.com/thurman-babagsak-kay-pacquiao-trainer-garcia/
Malaki ang tiwala ang batikang trainer na si Angel Garcia na mapapabagsak ni Manny “Pacman” Pacquiao ang undefeated champion na si Keith “OneTime” Thurman.
Sa panayam ng Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo, kumpiyansa ang tatay ng ex-champion na si Danny Garcia na titiklop si Thurman kaya handa raw itong tumaya sa kakayahan ni Pacman na ma-knock out ang kalaban.
“I’ll bet a lot of money on Pacquiao,” sambit din ng nakakatandang Garcia maging kay Hall of Fame coach Freddie Roach.
Nagpakita rin ng galaw si Angel kung paano gayahin ang footwork ng pambansang kamao.
Matatandaan na nasilat ang mag-amang Garcia ni Thurman noong 2017 para sa welterweight unification fight ng dalawang kampeon. Nagawang itakas ni Thurman ang laban via split decision matapos ang mainit na bakbakan kontra sa mas batang Garcia.
Pamilyar naman daw si Thurman sa mga patama na ginagawa ni Roach at ikinumpara pa ang nalalapit na laban kay Pacman sa laban nila ni Garcia kung saan pinatahimik niya ang mag-ama sa pamamagitan ng panalo.Nananatili pa rin ang kumpiyansa ni OneTime na mapapabagsak nito at tatapusin ang maalamat na karera ng Pinoy boxing icon.
“I’m going to do to him what I did to Danny Garcia,” ayon din sa interbyu ng BoxingScene kay Thurman.
“Manny Pacquiao knows, it’s these hands that do the talking. “Bop! I’m going to hit him as soon as I can see him. Bop! It don’t matter to me.” dagdag pa ni Thurman
Sa ginanap na pre-fight press conference patuloy pa rin ang patutsada ng mas batang si Thurman sa 40-anyos na boxer.
“I’m looking forward to the fight. I’m looking forward to the final moment when my hand is raised. It’s been a build-up and a progression my whole career toward this moment on Saturday night,” wika pa ni Thurman.
Sa kabila nito nagpakita naman ng maturity at poise ang fighting senator na kinakitaan ng kakaibang ngiti sa gitna ng “trash talking” ni Thurman.
“For me nothing is personal. I have to do my job and there is nothing personal with him. Our job is to fight and he has to prove something, and I have to prove something. That’s why I’m so motivated for this fight and this training camp. It’s also my first time fighting on FOX Sports Pay-Per-View, so I’m excited to fight on Saturday,” ani Pacquiao sa kalagitnaan ng press conference.
Sa July 21, bukas na ng Linggo (Manila time) ang duwelo ng dalawang welterweight champions na inaabangan ng buong mundo at inaasahang mapupuno ng celebrities at boxing icons ang MGM Grand sa Las Vegas kung saan magaganap ang title fight.